• Announcements

    • REDivivus.WRAITH

      PAKIBASA: COVID 19 Prevention   04/15/20

      Sumunod na lang tayo mga pre para sa ikabubuti ng ating bansa at ng buong mundo. Kaya habang ikaw ay naka lockdown tumambay ka na lang muna sa APS makihalubilo or magshare ng mga magagandang larawan.    Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19 Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.

      Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19. 1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.

      Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na maghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol. 2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.

      Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit. 3. Takpan ang iyong ubo at bahing Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, at sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.

      Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay. 4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo.

      Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinumang may iba pang may sakit. 5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.

      Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao. 6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka pupunta.

      Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba. 7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang artoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.

      Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili.   source: WHO

Smeagol

APS Contributor
  • Content count

    1148
  • Joined

  • Last visited

About Smeagol

  • Rank
    Hokage Level

Profile Information

  • Gender
    Male

Recent Profile Visitors

27221 profile views
  1. APS is still a sharing group. It always has and it always will be. Ang ginagawa lang ng mga mods natin is they're trying to preserve this site especially from ungrateful leechers and to strengthen our relationship with the photogs. Di ba kayo nagtataka andaming rare photos na lumalabas dito that's because of the generosity of the photogs dahil sa relationship na binuo ng mga mods natin. May I ask Sir kung gaano ka na katagal sa APS? As I can see you only have 66 posts. FYI lang Sir even before pa ganito na ang APS. Sobrang taas lang kasi ng hype with Lurmag kaya akala ng mga members sobrang grabe ng paghihigpit na ginagawa ng mga mods natin. For all: If I may ask you guys, bakit kahit ganito ang mga nangyayari ngayon bakit nasa APS parin kayo ngayon? I believe it's because APS is the best compared to all other sites.
  2. Get rid of the leechers then APS can go back to the "glory days".
  3. Sir Vader sorry wasn't able to update my post on this. Ayos na po siya. Siguro last week lang. Naoopen ko na sa phone and PC. Thanks.
  4. Still not able to see it.
  5. When Dirk retires he'll be the last player in the era where basketball comes from the heart and not from the pocket.
  6. I think they're going to reform the the team. By reform I mean the playbook. It won't the high intensity half court game anymore. Baka ang gagawin nila is run-and-gun type that's why they prefer young players compared to veterans.
  7. Welcome po!
  8. Congrats! See you sa kabila.
  9. Wootwoot. Good luck Sir. Congrats in advance.
  10. Simmons ako. Termed as the "rough diamond among the jewels". Konti pang taon kay Popp to.
  11. Euro2016 SWE v. IRE : 1-1 Zlatan superb as always. BEL v. ITA : 0-2
  12. Late ko na nakita tong thread na ito. What's the update here?
  13. Sayang. Gusto ko sana TOR v. OKC. New faces in the Finals sana.
  14. Congrats in advance Sir.
  15. CLE v. TOR abot ng Game 7. Sayang ticket sales eh. Hahahaha.