• Announcements

    • REDivivus.WRAITH

      PAKIBASA: COVID 19 Prevention   04/15/20

      Sumunod na lang tayo mga pre para sa ikabubuti ng ating bansa at ng buong mundo. Kaya habang ikaw ay naka lockdown tumambay ka na lang muna sa APS makihalubilo or magshare ng mga magagandang larawan.    Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19 Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.

      Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19. 1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.

      Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na maghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol. 2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.

      Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit. 3. Takpan ang iyong ubo at bahing Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, at sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.

      Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay. 4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo.

      Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinumang may iba pang may sakit. 5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.

      Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao. 6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka pupunta.

      Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba. 7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang artoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.

      Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili.   source: WHO

Habu

Members
  • Content count

    33
  • Joined

  • Last visited

About Habu

  • Rank
    Genin Level

Profile Information

  • Gender
    Not Telling

Recent Profile Visitors

953 profile views
  1. I'm an Electronics Engineer, pero ang work ko ngayon ay more on as a Network Engineer. Baka meron kayong alam na company na naghahanap ng Network Engineer or Network Operations Engineer. Gusto ko ng lumipat ng company! HAHAHAHA!
  2. Hello APS, Napansin ko na nawala ang access ko sa pinay sections. Hmm, yeah I've been a lurker for almost 2yrs? Siguro natuwa lang ako kasi ang gaganda ng mga post dito sa APS. Hindi ako msyado active sa pagpost ng new topics since may work na din ako and mdyo busy n tlga ang buhay. I'll try my best na makapagcontribute gaya ng iba nating members dito. I hope welcome pa din ako sa APS Been a member of APS since 2015 Thanks!
  3. Up! I watched Narcos and planning to watch How to get away with Murder. Haba na pala ng thread na to since my last post.
  4. Thank you for accepting me as a member here in APS. As much as possible please message me if I post some inappropriate pictures or anything that will violate the rules here in APS!
  5. I've watched The Walking Dead, Suits, Breaking Bad, and Better Call Saul. I need suggestions po sana. Yung medyo bago sana and parang same genre like the ones I've said. Wag na din po sana isuggest yung Game of Thrones since papanoorin/ishashare ko siya with my family/friends. hehehe
  6. Hi! I'm John, it's my second name. I want to keep my first and last name private since kaunti lang ang may name na katulad ng sakin. For security purposes only. I'm 23 yrs old and currently residing in Laguna. I'm a registered Electronics Engineer and Electronics Technician. HAHAHAHAHA! Gusto ko lang ishare kasi lifetime achievement ko yun at pinaghirapan ko talaga yung board exam. HAHAHAHA! I'm hoping na makapagcontribute ako dito sa APS kahit konti on technologies since yun ang linya ko. And ofcourse sa NSFW area. Thanks!
  7. Nakakalungkot hahaha. Almost a year na din ata akong lurker dito tulad ng iba. 1st time ko magpost dito hahaha comment pa. Ito kasi yung site na ang ganda kasi bago sa paningin halos lahat talaga. Nakakatuwa, as in. I'm not saying na more on nudity itong site kasi nagbabasa din ako ng ibang topics dito like technology, movies, basketball, etc. Hindi lang talaga ako active magpost or comment. Halos same din sya sa Symbianize kaso medyo madami ng users dun and halos paulit ulit na din yung mga post specifically sa Nude area nila.