• Announcements

    • REDivivus.WRAITH

      PAKIBASA: COVID 19 Prevention   04/15/20

      Sumunod na lang tayo mga pre para sa ikabubuti ng ating bansa at ng buong mundo. Kaya habang ikaw ay naka lockdown tumambay ka na lang muna sa APS makihalubilo or magshare ng mga magagandang larawan.    Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19 Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.

      Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19. 1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.

      Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na maghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol. 2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.

      Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit. 3. Takpan ang iyong ubo at bahing Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, at sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.

      Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay. 4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo.

      Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinumang may iba pang may sakit. 5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.

      Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao. 6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka pupunta.

      Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba. 7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang artoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.

      Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili.   source: WHO

tawsyoh

Members
  • Content count

    58
  • Joined

  • Last visited

1 Follower

About tawsyoh

  • Rank
    Genin Level

Profile Information

  • Gender
    Male

Recent Profile Visitors

1668 profile views
  1. piliin mo sir yung inverter type para maka save sa electric consumption...
  2. i agree with this mga sirs about sa bpi account.. im very much willing to help but im having a hard time on how to send it... ive been asking some of my friends but they have no idea also about paypal. if only may bpi account sana it would be a breeze. hirap po kasi mag send due to the nature of my work (ship). stress and boredom reliever ko po tong aps and i would gladly help to keep aps alive...
  3. anak daw po yata ni ka freddie aguilar yun pong jonan...
  4. mga boss ask ko lang po sana kung anong brand ng laptop yung maganda sa ngayon at specs na prefer ninyo? plano ko po kasing magpalit eh, about sa budget eh above mid range... thanks po
  5. sir good day... ask ko lang po sana ng favor na if pwedeng pa delete yung kagagawa ko lng na account na bago ( user name - taws yoh ) may space po sya... i have log in problems issues before thru fb... akala ko po di ko na ma open po eh kaya gumawa ulit ako ng bago nabasa ko po dun sa isa na gnu din ang problem nya kaya gumawa na din sya ng bago... but recently na fix na po yung issue so now im using my old user name thanx po dun sa nag ayos.. hindi ko na din ginagamit yung ginawa kong bago. hope that i wont be banned from APS family for having this problem, e2 lang po ang stress reliever ko dito sa abroad. thanx po ng marami sir... God bless

    1. Helfayv

      Helfayv

      Thank you...duplicate account deleted.

    2. tawsyoh

      tawsyoh

      thanx po ng marami ulit sir... i really appreciated it very much.. God bless

  6. sir pwede papasa nung video ni aljonaide? thanks po ng marami in advance

  7. ok po sir... well noted thanks
  8. another question po mga sirs, if you all wont mind... sa opinion nyo po whats the best brand for an hdd? im planning to buy a new one sana po eh.
  9. thanks so much sir RED
  10. thanks po ng marami sa infos... i'll try yung mga suggestions nyo po.... hope i could still retrieve my files though... wala pa pong 1 year yung hdd... anyway thanks po ulit
  11. good day po mga ka aps... ask ko lang po kung may possibility pa po na ma retrieve ko yung mga files ko sa aking hdd at saan po pwede if ever ipa retrieve? kase po pag sinaksak ko sa aking laptop lagi pong may clicking sound tapos ayaw na po mag open o basahin ng laptop... pa help naman po... thanks in advance
  12. eto talaga yung isang example ng "life and death" situation hahaha.... pag tinigasan ka paktay kang bata ka!
  13. hello all, been a lurker for quite a long time now... its been a great pleasure to be a part of this community really.. i will try to contribute in my own little ways somehow i hope i could ( due to the nature of my work "seabased" and a very limited net time )... have a good day to all and cheers!