• Announcements

    • REDivivus.WRAITH

      PAKIBASA: COVID 19 Prevention   04/15/20

      Sumunod na lang tayo mga pre para sa ikabubuti ng ating bansa at ng buong mundo. Kaya habang ikaw ay naka lockdown tumambay ka na lang muna sa APS makihalubilo or magshare ng mga magagandang larawan.    Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19 Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.

      Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19. 1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.

      Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na maghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol. 2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.

      Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit. 3. Takpan ang iyong ubo at bahing Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, at sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.

      Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay. 4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo.

      Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinumang may iba pang may sakit. 5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.

      Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao. 6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka pupunta.

      Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba. 7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang artoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.

      Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili.   source: WHO

Fearman

Members
  • Content count

    66
  • Joined

  • Last visited

About Fearman

  • Rank
    Genin Level
  • Birthday September 8

Profile Information

  • Gender
    Male
  • Location:
    Manila

Recent Profile Visitors

2473 profile views
  1. Bakit may mga oras na Hindi bumubukas itong site kagaya kanina nagsimula pa po nung martes ng hapon may mga oras na Hindi nag loloading itong aps? Sa akin lang po ba yun o may changes dito? thanks
  2. 2nd yr business course student part time chowking hahaha
  3. Okay thanks sir nabasa ko na ibig sabihin pwede hehe mag fofocus nalangako sa pag post sa non pinay mas madaling maka hanap ng pwedeng ippst dun do gaya sa pinay section masyong unahan hehe kung sakali ang problems ko nlng is "how To: Compress and Password-Protect Files (with Winrar)" mobile lang ako available Baka di ko ma meet yung requirements. can any one answer my question pwede ba sa phone yan gawin? pag pumunta kasi ako sa compshop namomonitior ng bantay activities ko at bka maban ako mga sirs I'm determined talaga na makasama at least sa contributor. anyways 3 days palang ako active pero mag araw araw nako dito hehe good luck sakin. pasagot nalang po. thankssss.
  4. Sir possible bang maka pasok sa VIP kahit walang naman post na mga rare photos basta active at post lang ng post araw araw wala kasi ako connections sa mga photograper google lang. possible ba yun sir?
  5. Haha mag comment lang kayo dun sa mga interesting topics ng other parts ng forum para maaactive din kayo hehe
  6. Oops! Something went wrong! [#10127] There was a problem storing your reputation vote. bat ayaw mag like pinipindot ko ung NASA upper right side ng post yan lumalabas pano mag like bago lang ako di pa marunong
  7. Pinapalabas eto ngayon eh season 5 sa TV 5 tinagalog nila araw araw ko pinapanood every 3:30 hehe
  8. wow aabangan ko to sila ba yung nag shooting dito da pilipinas young nag trapik haha
  9. Haha andami kaya sa google saka as fb hehe dun ka mag hanap ako nga walang kilala talaga eh nag sesearch lang ako
  10. wow nakakatuwa naman nag post lang ako na view na ulit ung restricted pages thank you
  11. yes! na view ko na ulit ung restricted hindi ko Alam kung dahil binalik niyo na po sa dati ung changes o dahil nagpopost nako kaya visible na ulit sakin ung mga nawalang pages hehe thank you.
  12. honestly nung september pako naglilibot dito tapos parang may nagbago nung Jan 2016 kaya nag log in nako using my Facebook account now naman kailangan namang mag contribute para ma view yung restricted areas kaya ayown I will try my best to contribute to forums para view ko yung restricted ulit sana mapabilis hehe wala nman kasi ako masiyadong resources cp lang gamit ko kaya ang hirap mag post pero asahan niyo lagi niyo na makikita name ko haha aaraw arawin ko to hehe
  13. honestly nung september pako naglilibot dito tapos parang may nagbago nung Jan 2016 kaya nag log in nako using my Facebook account now naman kailangan namang mag contribute para ma view yung restricted areas kaya ayown I will try my best to contribute to forums para view ko yung restricted ulit sana mapabilis hehe wala nman kasi ako masiyadong resources cp lang gamit ko kaya ang hirap mag post pero asahan niyo lagi niyo na makikita name ko haha aaraw arawin ko to hehe
  14. Mga sir tanong ko nga pala nung dating Hindi pa electronic voting ang pilipinas merong option doon na neutral para sa mga jehova's witness kasi di talga sila bumoboto ngayon bang electronic voting na gamit natin meron pabang neutral na pag pipilian o wala na? kaka 20yrsold ko palang eh di pa ko nakakaboto kaya di ko Alan meron pa ba nun?
  15. Honestly Hindi talaga ako bumoboto dahil sa religion ko pero kung papipiliin ako ng new president Kay grace poe ako delikado pag si duterte nanalo parang gugulo dito sa pilipinas baka mag martial law yun haha saka parang manyak siya lalong dadami chicks niya pag nanalo siya pag si binay naman alam naman natin lahat yung mga issue niya di man mapatunayan dami naman ebidensiya pag so roxas naman walang magbabago sabi niya tutuloy niya lang yung "tuwid na daan" na wala namang nangyayari sa bansa pag so defensor naman Padang mababaliw tayo haha peace saka dami na niya sakit sa news nga Hindi na siya nakakasama sa campaign election nila may "important daw siyang gagawin" if I know nanghihina na siya kaya do siya iboboto ko kung sakali Kay grace ako kasi idol ko si FPJ hahaha walang sense kasi di rin naman ako bumoboto hehe bawal eh neutral lang kami secret among religion ko Baja may maka trace yari ako haha