• Announcements

    • REDivivus.WRAITH

      PAKIBASA: COVID 19 Prevention   04/15/20

      Sumunod na lang tayo mga pre para sa ikabubuti ng ating bansa at ng buong mundo. Kaya habang ikaw ay naka lockdown tumambay ka na lang muna sa APS makihalubilo or magshare ng mga magagandang larawan.    Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19 Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan mo at ng iba.

      Ang mga payong ito ay maaaring sundin ng lahat, ngunit napakahalaga ng mga ito kung ikaw ay nakatira sa lugar na may COVID-19. 1. Hugasan nang madalas ang iyong mga kamay Ugaliin ang puspusang paglinis ng mga kamay gamit ang hand sanitizer na may alkohol o hugasan gamit ang sabon at tubig.

      Bakit? Lagi nating ginagamit ang ating mga kamay upang hawakan ang mga bagay na maaaring kontaminado. Maaaring hindi natin namamalayan na maghawak natin ng ating mukha, nailipat na ang virus sa mata, ilong at bibig at nahawahan na tayo. Namamatay ang mga virus na maaaring nasa iyong kontaminadong kamay, kasama na ang bagong coronavirus, sa pamamagitan ng paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig o paggamit ng hand sanitizer na may alkohol. 2. Iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig Madalas nating hinahawakan ang ating kamay nang hindi namamalayan. Maging mapagmatyag tungkol dito, at iwasan ang paghawak sa iyong mata, ilong at bibig.

      Bakit? Maraming hinahawakan ang mga kamay at maaari itong makakuha ng mga virus. Kapag kontaminado na ang kamay, naililipat ang virus sa mata, ilong at bibig at maaaring pumasok sa katawan at magdulot ng sakit. 3. Takpan ang iyong ubo at bahing Siguraduhing ikaw, at ang mga tao sa paligid mo, at sumusunod sa tamang respiratory hygiene. Ibig sabihin nito ay ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang loob ng siko o tisyu kapag uubo o babahing. Agad na itapon ang gamit na tisyu sa basurahang may takip at maghugas ng kamay.

      Bakit? Kung ang isang tao ay uubo o babahing, tumatalsik ang maliit na droplet mula sa ilong at bibig na maaaring may virus. Sa pagtakip ng iyong ubo o bahing, naiiiwasan ang pagkalat ng mga virus at mikrobyo sa iba. Sa paggamit ng loob ng siko o tisyu – at hindi iyong kamay – sa pag-ubo o pagbahing, naiiwasan ang paglipat ng kontaminadong droplet sa iyong kamay. Dahil dito, napipigilan ang paglipat ng virus sa tao o bagay. 4. Iwasan ang matatao na lugar at malapit na pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo Iwasan ang matataong lugar, lalo na kung and iyong edad ay 60 pataas o may dati nang karamdaman gaya ng altapresyon, diyabetis, sakit sa puso at baga o kanser. Panatilihin ang hindi bababa sa 1 metrong pagitan mula sa iyo at sa kung sinumang may lagnat o ubo.

      Bakit? Pangunahing kumakalat ang COVID-19 sa pamamagitan ng droplet na lumabas mula sa bibig o ilong kapag umubo o bumahing ang isang tao. Sa pag-iwas sa mga matataong lugar, nilalayo mo ang iyong sarili (ng hindi bababa sa 1 metro) mula sa mga taong maaaring may COVID-19 o sinumang may iba pang may sakit. 5. Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit Manatili sa bahay kung ikaw ay may nararamdamang sakit, kahit sinat at ubo lang.

      Bakit? Sa pagpanatili sa loob ng bahay at hindi pagpunta sa trabaho o iba pang lugar, gagaling ka ng mas mabilis at maiiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang tao. 6. Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta agad – ngunit tawagan mo muna ang health facility Kung ikaw ay may lagnat, ubo at hirap sa pag-hinga, magpakonsulta ng maaga – kung kakayanin, tumawag muna sa ospital o health center para masabihan ka kung saan ka pupunta.

      Bakit? Makatutulong ito upang masiguro na tama ang payong mabibigay sayo, ikaw ay maituro sa tamang health facility, at maiwasan mong makahawa sa iba. 7. Kumuha ng impormasyon sa mapagkakatiwalaang awtoridad Alamin ang pinakabagong impormasyon tungkol sa COVID-19 mula sa mapagkakatiwalaang artoridad. Siguraduhing ang impormasyon ay mula sa maaasahang mga tagapagsalita – ang Department of Health, World Health Organization (WHO), o iyong lokal na health worker. Dapat ay alam ng lahat ang sintomas – sa karamihan ay nagsisimula ang COVID-19 sa lagnat at tuyong ubo.

      Bakit? Ang lokal at pambansang awtoridad ang may alam tungkol sa pinakabagong impormasyon kung kumakalat na ba ang COVID-19 sa iyong lugar. Sila ang mas nakakaalam kung anong tamang payo na dapat ibigay sa iyong lugar, upang maprotektahan ng mga tao ang kanilang sarili.   source: WHO

Drake

Administrator
  • Content count

    3212
  • Joined

  • Last visited

About Drake

  • Rank
    Administrator

Contact Methods

  • Website URL
    http://www.allpinoystuff.net

Profile Information

  • Gender
    Not Telling
  • Location:
    In the nexus of all reality.... The mind.

Recent Profile Visitors

347054 profile views
  1. Lolz, hindi naman po nabuwag ang group na ito ever since. Kapag pumalpak lang ang server kaya tayo minsan nawawala pero ang mga admin naman natin ay always on top of it para maibalik agad para lahat tayo makinabang. Saan ka pa ba naman makakakita ng ganitong quality content na wala masyadong mga adwares at pop-ups na maaari pang pagmulan ng virus? Anyway. Balik ulit tayo kay AJ. Ang magbalik ng topic na ito dito sa thread na ito eh mawawalan ng access ng isang buwan. Ok?
  2. @pointblank. We are drafting a new guidelines on how to post sets like Lurmag or from some other websites. Hindi naman siguro lahat makakabili nung mga ebooks kaya malabo na ma-post ang whole set. We would like to share it all as well gaya nga ng sabi ni darkzone kaya lang down the lane eh tayo rin ang maaapektuhan kasi wala ng models na magpo-pose sa mga photographers kasi wala naman kita. So hindi naman babawalin but lilimitahan lang ng kaunti.
  3. @darkzone711135 You can share naman if you really are inclined to share especially kapag hindi naman binabawal. Yung sa iba lang is to share in moderation para naman maakit yung iba na bumili just in case. You also have to remember na marami rin kasing leecher na kinukuha ang images dito then posting it sa ibang websites saying sila ang bumili nun which is an insult kung binili mo nga talaga ng legit yung ebook. Kung tayo tayo lang talaga eh walang problema.
  4. If it is PC, download mo na lang sa torrent. Mga 33Gb ang installer niya.
  5. Phase detection or face detection? I am confused. hehe
  6. Yep. Overlord is nice. But it's a very old game so to speak. Tricky siya pero enjoyable.
  7. Thanks bro. Sayang at wala ako rubik cube ngayun para ma-testing sana.
  8. Here's mine. Built it last year. Processor: AMD-FX 8350 4.2Ghz(stock) Motherboard: MSI 970 MS-7963 Gaming series Memory: Kingston Hyperfury-X 16Gb Hard Drive: 3x1Tb and 2Tb Power: Strike X Gold Series 800W Casing: Deep Cool Kendomen TI Video Card: AMD Radeon 290X Monitor: LG 32" 3D Liquid CPU cooler: I forgot the name. lolz. Waiting for 1080 na magmura.
  9. Damn. Now I wanted to know why. Grrrr.
  10. Ei Jed. Ang ating former supreme mod. Kamusta na? hehe
  11. You need to be logged in sa FB before you can log in.
  12. Very dangerous considering Filipino drivers do not drive in a single line. Haharang at haharang yan sa daanan ng bus na yan. And kapag nasa ilalim ka ng bus you might experience motion sickness since you don't know if you are moving or not dahil suimasabay ka sa takbo ng bus.
  13. Because we are all rooting for change. Sabi nga, "You can't make an omelette without breaking the egg." So talagang may mga madadamay na inosente. Kung di natin mga kakilala or kamag-anak yung naapektuhan ay sasabihin lang natin na it's because of the changes. Pero kung kakilala natin at mahal sa buhay ang nadamay ay tiyak magwawala siguro tayo. It is true na some "good people" are being affected but normally a pusher is not an addict per se and you will never see how and why they do that business. Sa labas ay uliran siyang family man pero iyon pala ay may mga milagro din siyang ginagawa. So we really could not tell.
  14. This is a Bay movie. So expect it to crap again. Hopefully the make a reboot where Michael Bay is not the director but someone who actually grew up with G1.
  15. Wala namang issue yang curfew na yan. Mga nagpapasikat lang ang mga bwiset na mga kabataan kaya akala nila maganda. Siguro kapag naranasan na nilang mahold-up or masaksak sa daan kapag dis-oras ng gabi ay baka magbago ang mga isip nila.