Sign in to follow this  
Followers 0
jupzter

Pinoy Joke Time

9 posts in this topic

Ang Tsaa

RICH VAMPIRE: Oorder ako ng fresh blood.

ORDINARY VAMPIRE: Sa akin isang order na dinuguan.

POOR VAMPIRE: Hot water na lang sa akin.

WAITER: Bakit hot water lang po.?

POOR VAMPIRE: Nakapulot kasi ako ng napkin sa kanto. Mag-tsa tsaa na lang ako... Hahaha!

 

Annulment

Isang magasawa ang dumulog sa korte para magpaannul.

Judge: Ano ang dahilan para kayo magpaannul?

Babae: (Nagsalita habang nakayuko) Your honor, katawan lang ang gusto niya sa akin.

Judge: Anong pruyba mo?

Babae: (Nakayuko pa rin) Tuwing nag love making kami tinatakpan niya ng towel ang mukha ko.

Judge: Ikaw Mister bakit mo ginawa yun?

Mister: No comment your Honor. Just see for yourself.

Misis: (Nagalit at ihinarap ang mukha sa Judge) See bastos talaga ang taong yan.

Judge: (Habang nakatingin kay Misis.) Annulment petition granted. Ikaw naman lalaki, bakit ngayon ka lang nagfile ng annulment? Ang tiyaga mo.

 

 

Common Sense

Isang bata, nagpasa ng blank paper sa art teacher...

Teacher: Bakit blank ang work mo?

Bata: Nagdrawing po ako ng baka at damo.

Teacher: (tinignan ulit ang papel) San ang damo?

Bata: Ubos na po,kinain ng baka.

Teacher: (kamot sa ulo) Eh nasaan yong baka?

Bata: Ano pa gagawin ng baka dyan, eh wala ng damo?

syempre umalis na po.

Common sense naman mam!

 

 

Matapang feat. Juan at Pedro

Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo,

tumalon sa eroplano nang walang parachute!

Juan: Ohh, totoo?

Saan mo naman nabalitaan yan?

Pedro: Dun sa burol nya!

 

 

Ulam feat. Juan at Pedro

Pedro: Alam mo, yung pusa namin,

kahit nakalagay sa lamesa at walang takip

ang ulam namin, hindi kinakain!

Juan: Maniwala ako?! Pedro: Totoo!

Juan: Ano ba ang ulam nyo?

Pedro: Asin!

 

 

Spanish feat. Juan at Pedro

Juan: Tanungin mo ako ng English, sasagutin kita ng Spanish.

Pedro: What is more important? Heart or Mind?

Juan: Spanish!!!

 

 

Panglima feat. Erap at Jinggoy

Jinggoy: Dad, pang ilang Tirso Cruz na si Tirso Cruz III?

Erap : (natawa) Trick question ba yan anak?

Eh, di pang-lima,

kaya nga PIP ang tawag sa kanya, di ba?

 

 

Ang Uwak feat. Juan

Teacher: Juan i-english mo eto.

Juan: Wat mam?

Teacher: "Ang uwak ay hinang-hinang nglakad"

Juan: "The wak wak weak weak wok wok..."

 

 

Iniwan feat. Juan at Pedro

Pedro: ang sakit sakit tol! bakit iniwan niya ako??

Juan: Bakit? saan ba dapat kayo pupunta?

 

 

Maka-Diyos

Dad: Mabait ba ang boyfriend mo?

Anak: Yes, Daddy.

Daddy: Maka-Diyos?

Anak: Sobra Dad.

Daddy: Nasaan siya?

Anak: Nandoon sa simbahan, nagmimisa!

 

 

Eyebol feat. Juan at Pedro

Pedro: may ka eyebol ako mamaya, ano kaya itsura nya? Kasi sabi nya, may hawig siyang celebrity! “SHA” daw ang palayaw niya!

Juan: jackpot ka pare! Baka Shaina Magdayao o Sharon Cuneta!

(after eyebol, pedro went home…)

Juan: kumusta? Bakit malungkot ka yata?

Pedro: dioniSHA pare!dioniSHA!

 

 

Palusot

Cholo: Ah, waiter, bakit may langaw itong Lomi ko?

Waiter: E, kasi po Sir, sa sobrang sarap ng Lomi namin pati langaw gusto makatikim.

 

eXcaLibur, Helfayv, Smeagol and 3 others like this

Share this post


Link to post
Share on other sites

Tatay: anak bakit may dugo ka sa daliri mo?
Anak: eh,eh..
Tatay: akin na nga at sipsipin ko tsup tspp o ayan wala na ha..ano ba talaga nangyare?
Anak : tanggal ko kc garapata ni whitey tas tiris 
ko dame na eh..

Share this post


Link to post
Share on other sites

Good job po rito Sir! I enjoyed reading the jokes posted here. Sana po meron pa kayo madagdag para mas marami pa kayo mapatawa. hehe

:APS_thumbsup:

Share this post


Link to post
Share on other sites

Create an account or sign in to comment

You need to be a member in order to leave a comment

Create an account

Sign up for a new account in our community. It's easy!


Register a new account

Sign in

Already have an account? Sign in here.


Sign In Now
Sign in to follow this  
Followers 0