Pansin nyo ba bat dumadami ang vlogger na pinoy?
Yung iba panay clickbait "Pumasok ng walang bra"
Yung iba naman fake pranks para dumami lang yung views. Yun kasi ang mabenta sa pinoy.
Pati mga artista nag vlovlog na rin.
Ganito kasi yan. Para sakin kung malakas loob mo at wala kang hiya or Magaling gumawa ng kung ano anong videos tulad ng mga top 10 list.. Mga facts At iba pang interesting videos.
YouTube ang magpapayaman sayo.
Kwento ko sa inyo personal experience ko (medyo illegal hahaha). Pasensya na medyo mahaba. Gusto ko lang mag share baka mainspire kayo.
Wayback 2013. Onti palang yung sikat na youtuber sa PH. Wala rin nakakaalam masyado ng monetization sa YouTube. Inuupload ko yung recorded video ng laro ko saka ko inuupload sa YouTube. Natutuwa nako kung umabot ng 10-20 views yung video that time. Hanggang sa dumami yung videos ko lagpas 10 yata. After nun may nag popup na message sa taas ng youtube account ko. Asking me if gusto kong imonetize yung videos ko. Wala ako idea kung ano yung sinasabi nila pero sinubukan ko. Gumawa ako ng adsense account tapos nilink ko sa YouTube account ko. After ilang days nagulat ako nakaroon ng $0.01 yung Adsense Account ko hanggang sa napaisip ako pano ko mapapalaki yung earnings ko. Nasearch ako ng mga videos sa youtube kung ano yung mga inaupload ng mga pinoy. Hanggang sa napunta ako sa isang channel kung saan may mga pelikulang pinoy na bold. Sabi ko sa sarili ko "Aba pwede to ha" nung time na yun hindi pa masyado mahigpit yung YouTube sa mga bold movies or copyright copyright. Kaya nagumpisa akong mag upload ng mga bold movies na luma walang edit walang cut kugn ano yung nadownload ko sa torrent inuupload ko agad sa YouTube. BOOOOOOOM!! Nagulat ako isang araw kumita agad ako ng $20 isang video palang yun ha tuloy tuloy lang yung upload ko hanggang sa umaabot nako ng $90-110 a day. Seryoso to $90-110! Grabe no? Parang sahod ng manager sa magandang kumpanya. Dumating sa point na di nako makatulog kasi cinocompute ko na yung pera na kikitain ko in 1 month pati yung mga gusto kong bilin na di ko mabili kasi mahirap lang kami. 3 months straight ganyan kalaki kinikita ko sa youtube. Natatandaan ko unang sahod ko nakapangalan sa ate ko. Pinapapasok pa sya sa loob ng western union as in sa loob ng teller para daw safe. After nun binigay ko yung pera sa mama ko at sinabi ko sa kanya "Ma bilin mo yung pinakamalaking TV" sira kasi yung tv namin that time. Syempre lahat ng bagay may katapusan. Naghigpit na yung YouTube nireremove na nila yung mga copyright videos. So sabit lahat ng mga inupload ko pero di pa rin ako tumigil. Upload lang ako ng upload parang ang nangyayari is tagu taguan kung mahuli ng YouTube malas mo kung tumagal yung channel mo ng ilang weeks swerte ka. Hanggang sa dumating yung point na banned na IP, Name at Address ko sa youtube kasi gumawa ako ng ibang acc sa ibang name auto banned. Kaya ngayon eto hindi nako makagawa ng account ulit. Medyo malungkot pero marami akong natutunan sa experience na yun. Kung binasa mo hanggang dito congrats wala ka magawa sa buhay. HAHAHA
Share ko lang sinabi ni Akosidogie na kumikita sya sa YouTube ng 700k pesos a month. Sobrang totoo nun. Yung JaMill nakapagpatayo na ng bahay mas madaming daily views kesa kay dogie. Kung di ako nagkakamali sa tantsa ko 1m-2m monthly kinikita nyan. Ako nga 2013 palang 100k+ na sila pa kaya.
Last na pano ba kumikita sa YouTube?
Kailangan 10mins+ yung video mo para multiple ADS yung lalabas para pag hindi iniskip nung viewer yung ADS automatic may kita ka agad minsan $0.01 - $0.03 per ADS di ko lang sure if same pa rin ngayon.
Yun lang HAHAHA