Jump to content

1st time applying interview experience


Murc

Recommended Posts

Nagstart ako noon sa mga jobfair tska online tapos hintay na lang ng tawag. Mahirap  kasi ung walkin ka lalo na kung hindi ka familiar sa lugar hindi mo alam kung saan ka mag sisimula at hindi mo talaga alam  ung mga may vacant na companies try ka lng ng try puro papasa lang pero madalas wala naman tumatawag. Prepare ka lang ng madaming resume try ka muna sa mga online search pag wala talaga walkin ka na make sure na presentable suot mo para maganda first impression sayo at pag iinteviewhin ka make sure na on-time ka at magaling kang sumagot.

Link to comment
Share on other sites

Niyaya lang ako ng tropa ko kasi wala akong magawa nun tapos sya matagal na sa isang call center company and knowing na may referral fee syempre ayun sinubukan ko trip trip lang naman. Nung andun na ko, di ko talaga alam gagawin as in. Iniwan pa nya ko kasi kailangan nya mag-duty. Pero ayun go with the flow lang ako. Syempre kabado. Tas utal utal pa ko mag-English kase spoken English isn't really my strongest suit. Kaya ayun sobrang pressure sa initial interview. Pero yung examination at typing test maning mani haha. Pero bumalik yung pressure dun sa interview with the company client. Tapos pinabalik ako kinabukasan. Tapos di ko ine-expect talaga, natanggap ako. Pagkabigay ng job offer hindi ko mapaliwanag pakiramdam na first time ko mag-apply tapos magkakatrabaho na ako agad hahaha. Although di ko alam kung natanggap ba ako dahil sa tropa ko, o kailangan lang talaga ng company ng bagong employees, o maganda talaga naging resulta ng pag-apply ko haha. Pero ayun masaya naman.

Link to comment
Share on other sites

Mas madali magapply ngaun kasi online na..dati hindi pa uso ang online naglalakad ako sa pag apply..pinupuntahan ko talaga mga companies tapos pinapasa sa guard ang resume..unang interview ko syempre kabado..basta confident ka lang brod sa mga sasabihin mo..my eye contact palagi tska malakas ang boses..iwas dun sa gumagalaw ang mga paa...

Link to comment
Share on other sites

Pag talaga sa call center companies malaki ang chance na matanggap ka talaga kasi malakas talaga BPO sa pinas ngayon. kaya lang mahirap talaga sa BPO pag natapat 

ka sa Graveyard shift kaya madami din umaalis di nila kinakaya. Congrats nakapasa ka sa interview nakakakaba talaga sa una pero pagalingan lang naman sumagot jan eh

pag nakita ka nilang may potential hindi kana papakawalan niyan.

Link to comment
Share on other sites

refer lang ako dati tamad kasi ako maghanap. pero nung meron na pasa lang tas sagot ng exam ausin lang sagot sa mga nag interview bsta ang wag na wag mo kakalimutan is eye contact kahit medyo bulol sa english. Tska wag na wag mo gagayahin ung ginawa ng kasabay ko nag apply dati ang sinagot "I like to try the call center industry because they told me it's easy to get a job here". Aun tatlo kami sabay sabay kinausap siya lang hndi nakuha.

Link to comment
Share on other sites

Ok naman ang interview sa akin sa unang 2 trabaho ko kasi local, pangatlo ay abroad na tapos wala interview dahil pinasa lang sa agency, tapos pinagprocess na ng documents.

 

Dun sa sunod na trabaho ko ay abroad uli at na descriminate pa ako na kesyo ano daw alam ko samantalang 2 year course lang ako kaya sinagot ko yung employer na kahit 2 year course ako ay ako ang nag top sa exam at interview mo samantala ikaw may pera ka lang pero kelangan mo pa ng interpreter para makipag communicate ka at ako na 2 year course lang ay kaya ko magsalita ng english at language mo.

 

Sabay tindig at iniwan ko interview.

 

Kung may pagkakataon na maranasan nyo yung katulad ng naranasan ko sa interview, panindigan nyo yung inyong kakayahan, isipin na lang na kaya sila naghahanap ng tao ay dahil kelangan nila ang kakayahan natin, at tulad din na kelangan natin ang pera nila. Vice versa lang.

Link to comment
Share on other sites

  • 2 weeks later...
  • 1 month later...
  • 1 month later...

Join the conversation

You can post now and register later. If you have an account, sign in now to post with your account.
Note: Your post will require moderator approval before it will be visible.

Guest
Reply to this topic...

×   Pasted as rich text.   Paste as plain text instead

  Only 75 emoji are allowed.

×   Your link has been automatically embedded.   Display as a link instead

×   Your previous content has been restored.   Clear editor

×   You cannot paste images directly. Upload or insert images from URL.

×
×
  • Create New...